Sunday, October 26, 2014

Cinematograpo

a.  Mahusay ba ang anggulong kinunan?

     Maayos naman ang pagkakakuha ng mga anggulo sapagkat malaki ang naging tulong nito upang lubos na maintindihan ng mga manonood ang kwento ng palabas.

b.  Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisipang gustong palutangin?

     Matagumpay na naipakita ng mga camera shots ang mga nais na palutangin sa pelikula. Isa sa mga dahilan kung bakit epektibong naipahyag ng pelikula ang mga nais nitong maramdaman at matutunan ng mga manonood ay dahil sa kahusayan sa mga camera shots na naipakita sa palabas.

c.  Nakatulong ba ang visual effects sa paglikha ng isang magandang pelikula?

     Sa isang horror movie, mahalaga ang visual effects upang mas maging katakot- takot ang ibang karakter. Sa nakita kong palabas, masasabi kong lubos akong natakot sa hitsura at mga malalagim na pangayayari sa ibang tauhan, kung kaya’t mahihinuha mula ditto na malaki ang naging tulong ng mga visual effects.

d.  Ang camera ba’y ina- adjust para masundan ang galaw ng aktor?


     Ang camera ay dapat na ma-adjust upang masundan ang galaw ng aktor. Maaari itong makaaepekto sa kalidad ng palabas. Sa The Healing, medaling mahihinuha ng manonood na matagumpay na na maneobra ang camera upang makunan ang bawat galaw ng aktor.

Aspektong Teknikal

a.  Nakapag- create ba ng emotional impact ang musika?

Ang inilapat na musika ay akma upang maapektuhan ang nasabing pelikula.

b.  Akma ba ito sa pagpapalit- palit ng eksena?

Sakto ang timing ng musika sa bawat pagpapalit ng pangyayari sa palabras, kung kaya’t huling huli ang emosyon na nararamdaman ng bawat manonood.

c.  Ang ilaw ba at tunog ay coordinated upang umakma sa mood ng eksena?

Maayos na nai-plano ang ilaw at tunog sa palabas. Sadyang matagumpay na naisaayos ang effects ng sound at ilaw na nagbigay ng higit pang kasabikan sa palabas.

d.  Kapani-paniwala ba ang mga special effects?

Hindi masyadong halatang computer- oriented ang mga effects. Halos lahat ay nagmukhang makatotohanan.

e.  Mahusay baa ng editing?

Matino at matagumpay ang pagkakasunod sunod ng pelikula. Malinis ang pagkakaputol ng mga eksena.