Sunday, October 26, 2014

Suring Pelikula: The Healing

I. Pamagat: The Healing

II. Tauhan:


  •   Vilma Santos bilang SETH
  • Jhong Hilario bilang DARIO MATA
  • Carmi Martin bilang BLES
  • Mark Gil bilang VAL
  • Allan Paule bilang RUBEN
  • Cris Villanueva bilang DING
  • Janice de Belen bilang CITA
  • Kim Chiu bilang COOKIE
  • Ynez Veneracion bilang GRETA
  • Robert Arevalo bilang ODONG
  • Martin del Rosario bilang JED
  • Pokwang bilang ALMA

III. Kwento:
 
Ang The Healing ay umiikot sa isang kwento  kung saan ang pangunahing karakter na si Seth (Vilma Santos) ay nakaranas ng iba't ibang malalagim na pangayayri dulot ng pagpapagamot sa isang faith healer na kung tawagin ay Elsa. Ipinapakita sa kwento ang naging mga pamamaraan ni Seth upang mailigtas ang kanyang mga kasamahan mula sa pagkamatay at kung paano niya ito hinarap nang buong lakas at tapang. 

Makikilala din dito ang limang kaibigan ni Seth na nakararanas ng ibat ibang sakit at problema na maaaring nararanasan ng mga tao sa totoong buhay. Makatotohanan kung maituturing ang sitwasyong kinalalagakan ng bawat kaibigan ni Seth sa pelikula.

Naging mapanganib ang buhay ni Seth at ng kanyang mga kaibigan matapos ang panggamot ng siang faith healer. Marahil ay marami ang namatay, ngunit sa huli, patuloy na lumaban si Seth upang mailigtas ang iba pang natitirang nabubuhay na maaaring maging maging biktima.

IV. Banghay ng Pangyayari:

Si Seth (Vilma Santos) ay isang babae na hiwalay na sa kanyang asawa at mayroong anak na si Jed. Si Jed ay naninirahan na sa bagong pamilya ng kanyang amang si Val at tanging si Odong, ama ni Seth, ang kasama niya sa tinitirhan niyang boarding house. 

Mayroong karamdaman si Odong. Isang araw, himalang napagaling si Odong ng isang faith healer na si Elsa. Dahilan ito upang ang limang kaibigan ni Seth ay humingi ng tulong sa kanya upang dalhin din sila sa manggamot. Kabilang na rin sa mga nagpagamot ang half sister ni Jed na si Cookie kung saan siya ay mayroong sakit sa kidney.

Matapos ang pagpapagamot kay Elsa, isa isang namamatay ang mga nagpagamot sa isang malagim, kahindik- hindik at marahas na paraan. Bawat susunod na pagkamatay ay mas malala kaysa sa nauna.Bago ang pagkamatay ng bawat biktima ay nakakakita si Seth ng uwak at isang hindi malinaw na hitsura ng doppleganger ng bawat biktima.

Kinakailangang patayin ni Seth si Dario Mata, isang patay na tao na nabuhay ni Elsa sa panggagamot niya upang matigil ang sumpa at mailigtas ang kanyang mga kaibigan

V. Paksa/ Tema:

Ang kasakiman sa buhay ay maaaring magdulot ng kasakitan sa iba. 

Ang trahedyang nangyari sa palabas ay dulot ng pagnanais ng isang patay na tao na muling mabuhay. Sinuway ni Elsa na manggamot ang hudyat ng kamatayan kung kaya't kapalit nito'y buhay ng mga inosenteng taong ang nais lamang ay gumaling at maging maayos ang buhay.


VI. Cinematograpo:

Maayos ang pagkakaayos ng pelikulang The Healing. Akma ang mga camera shots at angles sa mga pangyayaring ipinapakita sa pelikula. Dulot nito ay mas maayos at malinis na pagkakalahad ng mga emosyon na tumagos pati sa mga manonood. Malinis ang pagkakaputol ng mga eksena at sakto ang pagkakahabi nito. Ang mga kagamitan, lugar at kasuotan ay umangkop sa atmosperang  nais na ilahad ng pangkat ng produksiyon. Sunod sunod ang mga pangyayari at bawat eksena ay kinasasabikan,

VII. Mensahe:

Mahalaga ang buhay, subalit hindi hawak ng tao ang pagwawakas ng oras ng isang buhay.

1 comment:

  1. CASINO HOST: NATIONAL PARK CASINO - JetBlue
    CASINO HOST: NATIONAL PARK 영주 출장마사지 CASINO, NATIONAL 화성 출장안마 PARK, NJ. (CBSNewYork) -- Today, the first 용인 출장마사지 day 군산 출장마사지 New Jersey 경상북도 출장샵 and Pennsylvania's casinos are

    ReplyDelete