Sunday, October 26, 2014

Tauhan

a.  Nagampanan ba ang papel nang buong husay?

     Maayos ang pagkakaganap ng mga tauhan sa pelikula. Ang nadama kong takot at pagkabigla sa buong oras na panonoood ng palabas ay itinuring kong epekto ng kagalingan ng pagganap ng mga aktor sa kanilang katauhan sa pelikula. Kung titignan at susuriing mabuti, bawat aktor na gumanap ay matagumpay na napasok ang puso at isip ng karakter na kanilang ginampanan.

b.  Nakisimpatya ba tayo sa kanila?

     May mga oras na nakadama ako ng pagkaawa sa takot at kahirapan sa loob na nararanasan ng mga karakter. Sa kabuuan ng panonood sa pelikula, ang bahagi kung saan pilit na inililigtas ng nanay na ginagampanan ni Janice de Belen at ng karakter ni Vilma Santos ang  kanyang anak mula sa pagkakamatay ang nagtulak upang mangibabaw sa aming damdamin ang pagkaawa sa malagim na sinapit ng anak na si Grace.

c.  May sigla ba o wala ang pagganap?

     Mayroong sigla na ibinigay ang pagganap ng mga actor. Marahil ay malungkot at nakakatakot na uri ng pelikula ang, “The Healing,” may mga bahagi sa palabas kung saan napatawa ang mga manonood. Kung sigla sa aspeto ng paraan ng pagkakaganap ng mga actor, walang dudang buong husay itong naibigay ng mga gumanap.

d.  May element of surprise ba o wala sa ikinikilos?

     Sa palabas na, “The Healing,” ang element surprise na tinatawag ay mahalaga upang mapatunayan ang kagalingan hindi lamang ng mga taggaganap kung hindi pati na rin ng pagkakabuo ng kwento. Kung susuriing mabuti, maraming pagkakataon ng pagkagulat ang naranasan ng mga manonood. Ibig sabihin, matagumpay na naihatid ng mga aktor ang element of surprise.

e.  Totoo ba o hindi ang mga karakter?


     Kung iisiping mabuti, palaisipan pa rin sa mga tao ang mga kababalaghang nagaganap sa mga tauhan sa pelikula. Ngunit sa ngayon, masasabing hindi totoo ang ibang karakter. Totoong sa buhay ay may mga taong may sakit at naniniwalang mapapagaling sila ng mga faith healer. Gayunpaman, palaisipan pa rin sa iba ang mga bagay tulad ng pagkakasanib at doppelganger.

No comments:

Post a Comment