Sunday, October 26, 2014

Istorya o Kwento

a.  Natinag ka ba ng kwento?

     Kung may hihigit pa sa kahulugan ng pagkakatinag, baka iyon ang mas akmang paglalarawan sa nangyari sa akin pagktapos manood. Ilang araw kong hindi makalimutan ang ilang nakakatakot na pangyayari sa pelikula na maging sa sarili kong buhay ay iniisip kong baka mangyari din.

b.  Kapana- panabik ba ito?

     Masasabi kong kahit na nakakatakot ang palabas ay patuloy ko pa rin itong pinanood dahil kapana-panabik ang kwento nito. May mga pagkakataon kung saan matatahimil ang lahat at nakatutok sa mga pangyayari sapagkat labis na kasabikan ang nararamdamaton.

c.  Mababaw ba o malalim ang istorya?

     Ang kwento ay nagpapahayag ng kalaliman sa damdamin ng isang tao. Kumplikado ang mga emosyon na ipinapakita ng mga tauhan. Maaaring dala ito ng mga sitwasyon sa buhay na ibinagay ng kwento sa bawat karakter.

d.  May focus ba o maligoy ang istorya?

           Sa una ay magtataka ang isang manonood kung saan patungkol ang palabas. Ngunit ang ganitong technique ay ginagawa lamang upang maging epektibo ang kasabikan na gustong ihatid ng kwento. Kung susuriing mabuti, mayroong fokus ang kwento. Ito ay umiikot lamang sa isang problema at nagtapos sa parehong isyu.

e.  Hinaharap ba ng pangunahong tauhan ang problema?

     Maayos na nagampanan ng pangunahing tauhan ang kanyang karakter sa kwento dahil siya ang nanguna upang malutas ang problema na napapaloob sa palabas. Ang pangunahing tauhan ay kumilos at matapang na naghanap ng solusyon para sa mga problema na kanyang kinaharap.

f.  Nahuhulaan ba ang susunod na pangyayari o hindi?

     Sa aking palagay, mahirap mahulaan nag maaaring sumunod na mangyayari. Maraming pasikot- sikot sa kwento kung kaya’t hindi medaling malaman ng mga manonood ang mga susunod na pangyayari.



g.  Naging kasiya- siya ba ang wakas o hindi?


     Dahil isang horror movie kung maituturing ang pelikula, ang mga uri ng kasiya- siyang pagtatapos sa mga ganitong palabas ay ang mga pangayayari na makapagbibigay ng matinding takot, pagkasabik o palaisipan sa mga manonood. Bihira lamang sa mga ganitong uri ng pelikula ang isang masayang pagtatapos. Sa wakas ng palabas na The Healing, masasabi kong maayos ang naging mga pangyayari.

No comments:

Post a Comment