Sunday, October 26, 2014

Tema o Paksa

a.  Anong diwa o kaisipan ang napakintal sa isipan ng manonood?

     Maaaring makita ng manonood ang kahalagahan ng relasyon sa kaibigan, pamilya, asawa at anak.  Ang pagiging kuntento din sa handog ng tadhana ukol sa buhay ng tao ay matutunan sa nasabing palabas. Sa bawat manonood, ang pagiging sakim sa buhay ay maaaring magdulot ng kahirapan sa ibang tao. Marahil ay ginawang simbolismo ang pagkamatay ng bawat tauhan, subalit malinaw na inihahatid ng kwento na ang isang tao na sariling buhay lamang ang iniisip ay magdudulot ng pagdurusa sa iba.

b.  Nagwagi ba ang kabutihan sa kasamaan?

     Ang pagwawagi ng kabutihan sa kasamaan ay maaaring magdulot ng ibang sakripisyo. Subalit masasabi kong sa huli ay nanaig pa rin ang kabutihan at nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ilang tauhan.

c.  Ano ang impak ng pelikula sa manonood?

     Malakas at malalim ang iniwang bakas ng pelikula sa mga manonood. Malalim na napaisip ang bawat manonood sa mga tunay na kaganapan kaugnay ng nangyari sa palabas.

d.  Ano ang final analysis sa kahahantungan ng pelikula?

     Ang pelikula ay nagtapos sa isang matinding palaisipan. Maaaring natapos na ang problema dahil sa pagkamatay ng kontrabida. Subalit ang pagkagising ng isang tauhan ay mayroong hindi malinaw na pagpapakahulugan. Maaaring patay na ang tauhan at nagising ulit na maaaring magbunsod sa mga malalagim ulit na pangyayari o ‘di kaya’y nagising ang tauhan upang muling makiisa sa kanyang pamilya at mamuhay ng isang payapang buhay.

e.  May nais bang ipahiwatig ang pelikula?
    
     Maaaring ang pelikula ay nais na maghatid ng iba’t ibang aral sa mga tao. Sa palabas na ito, isa sa mga mensaheng nakuha ko ay ang maaaring dulot ng pagkasakim ng isang tao sa buhay ng iba pa.


2 comments: