Sunday, October 26, 2014
Suring Pelikula: The Healing
I. Pamagat: The Healing
II. Tauhan:
II. Tauhan:
- Vilma Santos bilang SETH
- Jhong Hilario bilang DARIO MATA
- Carmi Martin bilang BLES
- Mark Gil bilang VAL
- Allan Paule bilang RUBEN
- Cris Villanueva bilang DING
- Janice de Belen bilang CITA
- Kim Chiu bilang COOKIE
- Ynez Veneracion bilang GRETA
- Robert Arevalo bilang ODONG
- Martin del Rosario bilang JED
- Pokwang bilang ALMA
III. Kwento:
Ang The Healing ay umiikot sa isang kwento kung saan ang pangunahing karakter na si Seth (Vilma Santos) ay nakaranas ng iba't ibang malalagim na pangayayri dulot ng pagpapagamot sa isang faith healer na kung tawagin ay Elsa. Ipinapakita sa kwento ang naging mga pamamaraan ni Seth upang mailigtas ang kanyang mga kasamahan mula sa pagkamatay at kung paano niya ito hinarap nang buong lakas at tapang.
Makikilala din dito ang limang kaibigan ni Seth na nakararanas ng ibat ibang sakit at problema na maaaring nararanasan ng mga tao sa totoong buhay. Makatotohanan kung maituturing ang sitwasyong kinalalagakan ng bawat kaibigan ni Seth sa pelikula.
Naging mapanganib ang buhay ni Seth at ng kanyang mga kaibigan matapos ang panggamot ng siang faith healer. Marahil ay marami ang namatay, ngunit sa huli, patuloy na lumaban si Seth upang mailigtas ang iba pang natitirang nabubuhay na maaaring maging maging biktima.
IV. Banghay ng Pangyayari:
Si Seth (Vilma Santos) ay isang babae na hiwalay na sa kanyang asawa at mayroong anak na si Jed. Si Jed ay naninirahan na sa bagong pamilya ng kanyang amang si Val at tanging si Odong, ama ni Seth, ang kasama niya sa tinitirhan niyang boarding house.
Mayroong karamdaman si Odong. Isang araw, himalang napagaling si Odong ng isang faith healer na si Elsa. Dahilan ito upang ang limang kaibigan ni Seth ay humingi ng tulong sa kanya upang dalhin din sila sa manggamot. Kabilang na rin sa mga nagpagamot ang half sister ni Jed na si Cookie kung saan siya ay mayroong sakit sa kidney.
Matapos ang pagpapagamot kay Elsa, isa isang namamatay ang mga nagpagamot sa isang malagim, kahindik- hindik at marahas na paraan. Bawat susunod na pagkamatay ay mas malala kaysa sa nauna.Bago ang pagkamatay ng bawat biktima ay nakakakita si Seth ng uwak at isang hindi malinaw na hitsura ng doppleganger ng bawat biktima.
Kinakailangang patayin ni Seth si Dario Mata, isang patay na tao na nabuhay ni Elsa sa panggagamot niya upang matigil ang sumpa at mailigtas ang kanyang mga kaibigan
V. Paksa/ Tema:
Ang kasakiman sa buhay ay maaaring magdulot ng kasakitan sa iba.
Ang trahedyang nangyari sa palabas ay dulot ng pagnanais ng isang patay na tao na muling mabuhay. Sinuway ni Elsa na manggamot ang hudyat ng kamatayan kung kaya't kapalit nito'y buhay ng mga inosenteng taong ang nais lamang ay gumaling at maging maayos ang buhay.
VI. Cinematograpo:
Maayos ang pagkakaayos ng pelikulang The Healing. Akma ang mga camera shots at angles sa mga pangyayaring ipinapakita sa pelikula. Dulot nito ay mas maayos at malinis na pagkakalahad ng mga emosyon na tumagos pati sa mga manonood. Malinis ang pagkakaputol ng mga eksena at sakto ang pagkakahabi nito. Ang mga kagamitan, lugar at kasuotan ay umangkop sa atmosperang nais na ilahad ng pangkat ng produksiyon. Sunod sunod ang mga pangyayari at bawat eksena ay kinasasabikan,
VII. Mensahe:
Mahalaga ang buhay, subalit hindi hawak ng tao ang pagwawakas ng oras ng isang buhay.
Tauhan
a. Nagampanan ba ang papel nang buong husay?
Maayos ang pagkakaganap ng mga tauhan sa pelikula. Ang nadama
kong takot at pagkabigla sa buong oras na panonoood ng palabas ay itinuring
kong epekto ng kagalingan ng pagganap ng mga aktor sa kanilang katauhan sa
pelikula. Kung titignan at susuriing mabuti, bawat aktor na gumanap ay
matagumpay na napasok ang puso at isip ng karakter na kanilang ginampanan.
b. Nakisimpatya ba tayo sa kanila?
May mga oras na nakadama ako ng pagkaawa sa takot at kahirapan sa
loob na nararanasan ng mga karakter. Sa kabuuan ng panonood sa pelikula, ang
bahagi kung saan pilit na inililigtas ng nanay na ginagampanan ni Janice de
Belen at ng karakter ni Vilma Santos ang
kanyang anak mula sa pagkakamatay ang nagtulak upang mangibabaw sa aming
damdamin ang pagkaawa sa malagim na sinapit ng anak na si Grace.
c. May sigla ba o wala ang pagganap?
Mayroong
sigla na ibinigay ang pagganap ng mga actor. Marahil ay malungkot at
nakakatakot na uri ng pelikula ang, “The Healing,” may mga bahagi sa palabas
kung saan napatawa ang mga manonood. Kung sigla sa aspeto ng paraan ng
pagkakaganap ng mga actor, walang dudang buong husay itong naibigay ng mga
gumanap.
d. May element of surprise ba o wala sa ikinikilos?
Sa palabas na, “The Healing,” ang element surprise na tinatawag ay mahalaga upang mapatunayan ang
kagalingan hindi lamang ng mga taggaganap kung hindi pati na rin ng pagkakabuo
ng kwento. Kung susuriing mabuti, maraming pagkakataon ng pagkagulat ang
naranasan ng mga manonood. Ibig sabihin, matagumpay na naihatid ng mga aktor
ang element of surprise.
e. Totoo ba o hindi ang mga karakter?
Kung iisiping mabuti, palaisipan pa rin sa mga tao ang mga kababalaghang
nagaganap sa mga tauhan sa pelikula. Ngunit sa ngayon, masasabing hindi totoo
ang ibang karakter. Totoong sa buhay ay may mga taong may sakit at naniniwalang
mapapagaling sila ng mga faith healer. Gayunpaman, palaisipan pa rin sa iba ang
mga bagay tulad ng pagkakasanib at doppelganger.
Istorya o Kwento
a. Natinag ka ba ng kwento?
Kung may hihigit pa sa kahulugan ng pagkakatinag, baka iyon ang
mas akmang paglalarawan sa nangyari sa akin pagktapos manood. Ilang araw kong
hindi makalimutan ang ilang nakakatakot na pangyayari sa pelikula na maging sa
sarili kong buhay ay iniisip kong baka mangyari din.
b. Kapana- panabik ba ito?
Masasabi kong kahit na nakakatakot ang palabas ay patuloy ko pa
rin itong pinanood dahil kapana-panabik ang kwento nito. May mga pagkakataon
kung saan matatahimil ang lahat at nakatutok sa mga pangyayari sapagkat labis
na kasabikan ang nararamdamaton.
c. Mababaw ba o malalim ang istorya?
Ang kwento ay nagpapahayag ng kalaliman sa damdamin ng isang
tao. Kumplikado ang mga emosyon na ipinapakita ng mga tauhan. Maaaring dala ito
ng mga sitwasyon sa buhay na ibinagay ng kwento sa bawat karakter.
d. May focus ba o maligoy ang istorya?
Sa una ay magtataka ang isang manonood kung saan patungkol
ang palabas. Ngunit ang ganitong technique ay ginagawa lamang upang maging
epektibo ang kasabikan na gustong ihatid ng kwento. Kung susuriing mabuti,
mayroong fokus ang kwento. Ito ay umiikot lamang sa isang problema at nagtapos
sa parehong isyu.
e. Hinaharap ba ng pangunahong tauhan ang problema?
Maayos na nagampanan ng pangunahing tauhan ang kanyang karakter
sa kwento dahil siya ang nanguna upang malutas ang problema na napapaloob sa
palabas. Ang pangunahing tauhan ay kumilos at matapang na naghanap ng solusyon
para sa mga problema na kanyang kinaharap.
f. Nahuhulaan ba ang susunod na pangyayari o hindi?
Sa aking palagay, mahirap mahulaan nag maaaring sumunod na
mangyayari. Maraming pasikot- sikot sa kwento kung kaya’t hindi medaling
malaman ng mga manonood ang mga susunod na pangyayari.
g. Naging kasiya- siya ba ang wakas o hindi?
Dahil isang horror movie kung
maituturing ang pelikula, ang mga uri ng kasiya- siyang pagtatapos sa mga
ganitong palabas ay ang mga pangayayari na makapagbibigay ng matinding takot,
pagkasabik o palaisipan sa mga manonood. Bihira lamang sa mga ganitong uri ng
pelikula ang isang masayang pagtatapos. Sa wakas ng palabas na The Healing, masasabi kong maayos ang
naging mga pangyayari.
Pananalita
a. May respeto bas a pananalita?
Sa kabuuan ng kwento, walang anumang sinabi ang mga tauhan na
makaapekto sa kagandahang asal ng isang tao. Maaaring may mga karakter na hindi
kanais- nais ang pag- uugali, subalit ang knailang pananlita ay akma pa rin
upang marinig ng mga manonood.
b. Bulgar ba o matino ang mga salita?
Walang anumang ginamit na bulgar na pananalita ang palabas.
Lahat ng pananalita ay matino at maayos.
c. Mahahaba ba ang dayalog na halos walang tuldok?
Katamtaman lamang ang haba ng pananalita ng bawat katauhan sa
palabas. Hindi masyadong madula at karamihan ng naganap ay aksyon.
d. Nauunawaan ba ang mga salita?
Bilang isa sa mga manonood, madali kong naunwaan ang mga pahayag
ng bawat tauhan. Marahil dahil payak lamang na mga salita ang ginamit ng
sumulat ng kwnento.
e. May lalim ba o malaman ang mga salita?
May mga pahayag kung saan maaaring makakuha ng aral ang bawat
manonood. Ang ilang bahagi ng mga pananalitang nagamit sa palabas ay mga
nakakubling kahulugan. Maaaring ang iba dito ay nakakatawa, subalit mayroong
itong lalim at kahulugan. Maaaring gamiting halimbawa ang pahayag n Vilma
Santos sa anak ng kanyang asawa sa ibang babae na ginanap ni Kim Chiu: “Kung
hindi lang kita anak, higit pa sa yugyog ang makukuha mo.” Masasalamin sa
pahayag na ito ang pagmamahal na maaaring maibigay ng isang ina sa kanyang anak
na handing gawin ang lahat para sa kabutihan ng kapakanan ng kanyang anak.
Tema o Paksa
a. Anong
diwa o kaisipan ang napakintal sa isipan ng manonood?
Maaaring makita ng manonood
ang kahalagahan ng relasyon sa kaibigan, pamilya, asawa at anak. Ang pagiging kuntento din sa handog ng
tadhana ukol sa buhay ng tao ay matutunan sa nasabing palabas. Sa bawat
manonood, ang pagiging sakim sa buhay ay maaaring magdulot ng kahirapan sa
ibang tao. Marahil ay ginawang simbolismo ang pagkamatay ng bawat tauhan,
subalit malinaw na inihahatid ng kwento na ang isang tao na sariling buhay
lamang ang iniisip ay magdudulot ng pagdurusa sa iba.
b. Nagwagi
ba ang kabutihan sa kasamaan?
Ang pagwawagi ng kabutihan
sa kasamaan ay maaaring magdulot ng ibang sakripisyo. Subalit masasabi kong sa
huli ay nanaig pa rin ang kabutihan at nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng
ilang tauhan.
c. Ano ang
impak ng pelikula sa manonood?
Malakas at malalim ang
iniwang bakas ng pelikula sa mga manonood. Malalim na napaisip ang bawat
manonood sa mga tunay na kaganapan kaugnay ng nangyari sa palabas.
d. Ano ang
final analysis sa kahahantungan ng pelikula?
Ang pelikula ay nagtapos sa
isang matinding palaisipan. Maaaring natapos na ang problema dahil sa
pagkamatay ng kontrabida. Subalit ang pagkagising ng isang tauhan ay mayroong
hindi malinaw na pagpapakahulugan. Maaaring patay na ang tauhan at nagising
ulit na maaaring magbunsod sa mga malalagim ulit na pangyayari o ‘di kaya’y
nagising ang tauhan upang muling makiisa sa kanyang pamilya at mamuhay ng isang
payapang buhay.
e. May
nais bang ipahiwatig ang pelikula?
Maaaring ang pelikula ay
nais na maghatid ng iba’t ibang aral sa mga tao. Sa palabas na ito, isa sa mga
mensaheng nakuha ko ay ang maaaring dulot ng pagkasakim ng isang tao sa buhay
ng iba pa.
Titulo
a. Angkop ba ang titulo sa kwento?
Ang kabuuan ng kwento ay umikot sa sunod sunod na pagkamatay ng
tauhan matapos magpagamot sa isang faith healer. Sa buod ng kwento, masasabi
kong angkop ang naging pamagat na The
Healing.
b. May
simbolismo o kahulugan bas a pagitan ng bawat hinabing salita?
Payak lamang at direkta ang
ginamit na salita kaya’t masasabi kong hindi na kailangan pa ang kahit na anong
uri ng simbolismo. Ang pamagat ay direktang may kaugnayan sa kwento.
Cinematograpo
a. Mahusay ba ang anggulong kinunan?
Maayos naman ang pagkakakuha ng mga anggulo sapagkat malaki ang
naging tulong nito upang lubos na maintindihan ng mga manonood ang kwento ng
palabas.
b. Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o
kaisipang gustong palutangin?
Matagumpay na naipakita ng mga camera shots ang mga nais na
palutangin sa pelikula. Isa sa mga dahilan kung bakit epektibong naipahyag ng
pelikula ang mga nais nitong maramdaman at matutunan ng mga manonood ay dahil
sa kahusayan sa mga camera shots na naipakita sa palabas.
c. Nakatulong ba ang visual effects sa paglikha ng
isang magandang pelikula?
Sa isang horror movie, mahalaga
ang visual effects upang mas maging katakot- takot ang ibang karakter. Sa
nakita kong palabas, masasabi kong lubos akong natakot sa hitsura at mga
malalagim na pangayayari sa ibang tauhan, kung kaya’t mahihinuha mula ditto na
malaki ang naging tulong ng mga visual effects.
d. Ang camera ba’y ina- adjust para masundan ang
galaw ng aktor?
Ang camera ay dapat na ma-adjust upang masundan ang galaw ng
aktor. Maaari itong makaaepekto sa kalidad ng palabas. Sa The Healing, medaling mahihinuha ng manonood na matagumpay na na
maneobra ang camera upang makunan ang bawat galaw ng aktor.
Aspektong Teknikal
a. Nakapag- create ba ng emotional impact ang musika?
Ang inilapat na musika ay akma upang maapektuhan ang nasabing
pelikula.
b. Akma ba ito sa pagpapalit- palit ng eksena?
Sakto ang timing ng musika sa bawat pagpapalit ng pangyayari sa palabras,
kung kaya’t huling huli ang emosyon na nararamdaman ng bawat manonood.
c. Ang ilaw ba at tunog ay coordinated upang umakma
sa mood ng eksena?
Maayos na nai-plano ang ilaw at tunog sa palabas. Sadyang matagumpay
na naisaayos ang effects ng sound at ilaw na nagbigay ng higit pang kasabikan
sa palabas.
d. Kapani-paniwala ba ang mga special effects?
Hindi masyadong halatang computer- oriented ang mga effects. Halos
lahat ay nagmukhang makatotohanan.
e. Mahusay baa ng editing?
Matino
at matagumpay ang pagkakasunod sunod ng pelikula. Malinis ang pagkakaputol ng
mga eksena.
Subscribe to:
Posts (Atom)